Tuesday, May 10, 2011

DALANGIN SA TAG-ULAN

Sa may daana'y napatabi't napasilong,
Tuwina'y sa langit nakatingin,
May panalanging mataimtim,
Sana'y kahit ma-ulan man ang gabi,
Ikaw ngayo'y katabi.

Bumuhos man ang ulan,
At yamo't ang iilan,
Umaasa sana'y kahit minsan,
Sa pagtigil nitong ulan,
Ngiti mo'y muling masilayan.

Kaya't tag-ulan man ngayon,
Basa ma't walang payong,
At nandito'y panandaliang nakasilong,
Di ramdam maginaw man ang hangin,
Sapagkat ikaw pari'y kapiling.